Czarina's POV Kakatapos lang namin magluto ni Blake ng lunch. Sinubukan niyang gawin ang isa sa recipe ng resto niya na meatballs at chicken curry. Nagpagawa pa ako ng lasagna for dessert ko. Maghahain na sana kami pero biglang tumnog ang doorbell. "Ako na, baka si Seb na 'to, hindi man lang nag-text," sabi ko. Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin si Sebastian na kasama si Britney. Nakahawak si Britney sa braso ni Seb. Omg? Are they on!? "Wait, what's this bessy?" tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa at para bang nagkahiyaan pa, sobrang disente ngayon ni Britney at babae siya manamit, naka blouse at pantalon siya at flat sandolls. "She's officially my girlfriend, now," dahan-dahang sabi ni Sebastian. Napangiti ako sa saya. Sa wakas at natagpuan na ni Seb ang kapares ng bu