Blake's P.O.V "Hindi ako makapaniwala, Czarina. Bata 'yon pero pinatulan mo? Bakit huh? Bakit!? Dahil ba diyan sa selos mo?" sigaw ko. Hindi ko akalain na magagawa ni Czarina 'yon. Gusto niya bang ganoon din ang mangyari sa anak namin? I can't imagine that--f**k! "Blake, hindi iyon gano'n! Hindi mo kasi nakita. Wala kang alam kaya 'wag kang magsalita! You don't know the reason at kung ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko. Then, I'll leave. Magsama kayo ni Lynn!" sigaw nito sa akin. Ano bang akala niya? Hindi siya pwedeng umalis! "Then where do you think you're going?" madiin kong sabi. Sandali siyang natahimik. Nagulat ako nang tumakbo siya papuntang banyo, iiyak na naman ba siya? Ganito na lang ba kami tuwing mag-aaway? palagi na lang! Nakakasawa na! Isa pang problema sa opis