Thirty Kasalukuyan akong na rito sa cottage na nasa lilim ng puno ng niyog. Sobrang sakit ng ulo dahil sa pag-iyak. Mugto ang mga mata at sobrang bigat ng dibdib. Gusto ko nang umalis sa lugar na ito kahit pa kadarating lang namin. Paano ba naman kasi, kadarating lang may pasabog na agad. Ibig sabihin lang nito ay niloko n'ya kaming lahat. Ang masaklap pa ay nagpaloko naman kami, lalo na ako. "Pumasok na muna tayo sa loob!" umupo si L.A sa tabi ko ngunit mabilis akong umusog palayo rito. Natatakot ako sa lalaki, Hindi ko s'ya kilala. "Alam kong may paraan ka para masundo tayo rito. Please, ibalik mo na lang ako sa pamilya ko. Oo, slow ako. Pero ngayon naisip ko na kung ano ang nangyayari. Kidnapping ito! Dinala mo ako sa lugar na ito na puno ng kasinungalingan. Niloko mo ako." "S--orry

