Thirty-Eight Tulala ako habang nakatitig sa karagatan. Sa isang lingo sa islang ito, lahat ng nabaon sa limot at nakaraan ay isa-isang bumalik. Pakiramdam ko nga hindi ko na kilala 'yong sarili ko. Paano ko na gawa iyon? Sa murang edad, isa na akong manipulator. A very sweet innocent manipulator. Mariin akong pumikit at hinayaang hanginin ang mahabang buhok ng malamig na hangin. Sinulyapan ko si L.A na nasa dagat at pabalik-balik lumalangoy. Hindi ito makapaniwala kagabi nang marinig ang sinabi ko. Kahit nang pumasok ito sa silid at sumampa sa kama. Naroon sa mukha nito ang shock kaya naman tinawanan ko ito at sinabi kong matutulog na ako. Kailan nagsimula ang lahat? Tsk, noong na-realize ko na marami akong bagay na gustong gawin na hindi ko magagawa sa poder ng magulang ko. Wala

