15 “Harry, why do I notice that you’re having this kind of reservation when it comes to your brothers?” Blesserie asked Harry after a long moment of being so naughty. Nagsawa na yata ito sa kakulitan kaya seryoso na ang tanong sa kanya. Salamat dahil baka mamaya lang ay magka-high blood na siya sa sobrang pagiging isip bata nito. Maling-mali yata na ipinagpilitan niya itong maging girlfriend, pero kung ang ma-high blood siya ang tanging paraan para matikman ito, payag siya. Tumingin lang siya sa mukha ni Blesserie dahil parang pagod na ito sa pagkakaupo. Nilalakasan naman niya ang paypay kaya lang ay talagang wala naman gaanong hangin dahil panyo naman ang gamit niya. Wala pa siyang pinayapayan sa tanan ng buhay niya at ito lang ang kauna-unahang babaeng nag-demand sa kanya na p