10 Nagtataka si Blesserie kung bakit yata walang kabastusan ang Harry Parrot na nakaupo sa may tagiliran niya, habang parehas silang nakikinig ng report. Naroon pa rin ang malagkit pa sa biko nitong titig pero parang lumalagpas iyon sa katawan niya. May nakikita ba itong hindi niya nakikita? Multo ba? Napalingon tuloy siya at pasimpleng luminga sabay himas sa mga hita niya sa ilalim ng mesa. Nangaligkig na tuloy siya. The reporting was actually an hour late. Hinintay nila ito dahil sinadya ng Daddy niya na ipaalam dito nang personal ang financial status ng kumpanya para may transparency, kaya lang huli na nga ito, parang lutang pa ang isip. Baka nagpahimas na naman ito ng itlog kaya parang nakatulala pa sa langit. “Stop looking back. I am staring at you.” Malakas na sabi ni Harry