19 Harry sneezes when a fur brushes against his nostrils. Napabangon siya nang wala sa oras mula sa pagkakahilata sa kama ni Blesserie pero sumalpok ang noo niya sa isang matigas na bagay. “Aw—/Ouchy!” sabay na sabi nilang dalawa kaya naimulat niya ang nakapikit na mga mata. Sapo nito ang noo at siya ay sa may mata naman. “Are you hurt?” Binalewala niya ang pandidilim ng paningin at kaagad na nahimas ang noo ng dalaga na parang nahilo yata sa lakas ng impact. “Ang sakit.” Naiiyak na daing nito habang hawak ang isang ballpen na may artificial feather sa dulo. “Ang kulit mo kasi.” He scratched his nape and fondled her forehead once more. “Eh kasi anong oras na nakahilata ka pa sa kama ko. It’s 8:30 in the evening. Kagabi halos 11:00 ka na umuwi. Baka tomorrow lang ay magkapalit