17 “Harry!” Nakangising bati ni Isaac kay Harrison nang masumpungan niya ang matanda sa may salas. May nakahanda iyong dalawang traveling bag na hindi naman kalakihan. “Where to, Isaac?” Aniya rito saka niya tinapik ang balikat. “Oh I hate that Isaac. Call me lolo. Hindi ba at boyfriend ka na ng prinsesa ko? Dapat na lolo na rin ang tawag mo sa akin.” Anito kaya parang nailang siya nang husto. Hindi siya sanay sa ganoon dahil hindi siya lumaki sa Pilipinas na kahit nga Daddy niya ay Heinrich minsan ang tawag niya. “Aba, dapat sa akin din. Hindi ako papayag na Itim ang tawag mo sa akin.” Anaman ng isa pang lalaki na nakilala na rin niya bilang ama ni Louise. Nakangisi rin iyon at kahit na may deperensya ang paglalakad ay hindi maitatago na magandang lalaki rin at matikas pa ang pa