"F*CK! F*CK! F*CK!" sunod-sunod na napamura si Sergio nang makitang papalayo na ang sinasakyan ni Blaire. Hindi pa siya nakuntento, pinagsusuntok pa niya ang buhangin at hindi alintana sa kaniya kung masaktan man siya. Wala siyang paki kung bumaon man ang mga buhangin sa kamao niya. Kasalanan ito lahat ni Alexa. If she didn't tell the truth to Blaire, hindi magiging ganito ang dalaga. Kaya si Alexa dapat ang sisihin dito. Sinira nito ang pagsasama nila ni Blaire. Maayos lang sila nitong nagdaang araw pero ngayon, hindi na dahil sa kagagawan nito. Hindi mapigilan ni Sergio ang sarili, gigil na gigil na siya. Saka na niya hahabulin si Blaire, kailangan niyang trabahuhin si Alexa. Hindi niya hahayaan na walang mangyayari sa ginawa nito. Tumayo siya sa pagkakaluhod sa buhangin saka dinako an