MAGAANG IMINULAT NI Sergio ang mga mata. Kaagad na bumungad sa kaniya ang kagandahan ni Blaire. Nakaharap ito sa kaniya habang ang braso nito ay nakapatong sa tagiliran niya samantalang ang binti nito ay nakapatong naman sa hita niya. Mahimbing ang tulog nito na ikinatuwa niya. Marahan niyang inalis ang braso at hita nito sa katawan niya kapagkuwan ay siniil ng halik ang mga labi ng dalaga. Bahagyang gumalaw ito na hindi niya ikinabahala. Basta't katabi niya si Blaire, kampante siya. Masaya siya kapag katabi niya ang dalaga. Kaya hindi niya hahayaang maagaw nito ng iba. Lalaban siya kung kinakailangan. Tumayo na siya sa pagkakahiga sa kama nito at sinuot ang mga damit na nasa sahig. Hindi niya tinanggal iyon kagabi dahil may mangyayari sa kanila. He didn't even think that. Komportable lan