"DAD, SAAN MO ako dadalhin?" tanong ni Blaire sa ama niya habang hila-hila siya nito patungo sa ikalawang palapag ng bahay nila. Humahagulgol na siya pero hindi man lang nito nagawang sagutin siya. Nagpatuloy ito sa paghila sa kaniya. At dahil malakas ang daddy niya, hindi niya nagawang makapalag dito. Parang laruan lang siya kung hilahin nito. Nang makarating sila sa ikalawang palapag, kaagad nitong tinungo ang kuwarto niya. Pabalibag siyang pinasok sa loob dahilan para mapahiga siya sa sahig. Nanlilisik ang mga mata nito sa kaniya— animo'y papatay na ito ng mga oras na iyon. "Simula ngayong araw, wala ka nang karapatang lumabas sa kuwarto mo. Ama mo ako kaya susundin mo ang gusto ko. Hindi ka puwedeng lumabas, Blaire. Wala akong pakialam kung umiyak ka nang umiyak. Parusa mo na iyan sa

