"NASAAN ANG DADDY ko?" tanong ni Blaire kay Bernard. Dahan-dahang umupo ang lalaki at mataman siyang tiningnan. Animo'y nangungusap ang mga mata nito sa kaniya. Minsan lang magpakamanhid si Blaire kaya hindi siya naaawa ngayon kay Bernard. Kung ano man ang nangyari rito, deserve nito iyon. Kulang pa ang ginawa ng kung sino kay Bernard. Kulang na kulang pa dahil alam niyang magiging hadlang ito sa kanila ni Sergio. "H-Hindi ko alam, Blaire. Wala akong alam sa nangyari. Tatakas sana ako kaso hindi ko na siya nakita. The nurse told me na tumakas daw siya kasama iyong mga nagpanggap na nurse. I swear to God, wala talaga akong alam sa lahat. Wala akong alam sa plano ng daddy mo. N-Nagulat lang din ako dahil umalis siya na hindi man lang ako sinasama..." "Liar!" nakatiim niyang saad. "Imposib

