"PAANO KA NAKUHA ni dad?" Blaire asked. Nasa loob sila ng kotse, si Gabriel ang nagmamaneho. Although hindi malaki ang tiwala niya sa binata pero hinayaan niya pa rin itong maging bodyguard niya. Mabait naman si Gabriel at parang poprotektahan siya nito sa anumang bagay. "I applied," he answered simply. "Oh, akala ko pinuntahan ka pa ni dad sa bahay niyo tapos kinuha ka. Kilala mo ba si dad?" "No, hindi ko siya kilala. Why you asked?" "Wala lang. Pero baka kasi hi-ni-re ka niya para manmanan ako. For your information, I won't do anything. Hindi ako tatakas kahit anumang mangyari. Tanggap ko na ang buhay na ito— tanggap ko na na anumang oras ay ikakasal ako sa lalaking hindi ko mahal." Malalim siyang napabuga ng hangin sa bibig saka isinandal ang ulo sa bintana. "What? Ikakasal ka? Ka

