UNTI-UNTING BINUKSAN NI Blaire ang mga mata nang magising ang kaniyang diwa. Nagtataka siyang bumaling sa kaniyang kapaligiran. Napagtanto niyang nasa sarili niya siyang cabin. Dahan-dahan siyang umupo sa kinahihigaan ngunit muli siyang napahiga nang kumirot ang ulo niya. s**t, what happened to her? Sinapo niya ang sentido at marahang umupo. At mula sa mini-cabinet na nasa tabi lang ng kama niya, may nakita siyang isang baso ng tubig at gamot. At sa baso, may nakadikit doong papel. She confusingly took the paper and read it. 'Inumin mo ang gamot at tubig. Matutulungan ka niyang mawala ang sakit na nararamdaman mo. At ubusin mo ang tubig, it will help you hydrated.' —S Mariing ginusumot ni Blaire ang papel na hawak saka tinapon iyon kung saan. After that, she took the tablet and drink it