"SERGIO HIRED A maid..." Napatingin si Blaire sa mommy ni Sergio nang biglang magsalita ito. Kasalukuyan silang nasa garden at abala sa bawat ginagawa ng isa't-isa. Nagdidilig siya ng mga halaman tapos nagtatanim naman ito. Inip na inip na kasi si Blaire. Na-miss na niyang pumunta sa mall para mag-shopping kasama sina Paulin at Danny. But now, hindi na niya magawa iyon dahil baka mahuli siya ng daddy niya na sa tantiya niya'y nagpapagaling pa rin hanggang ngayon. Kumusta na kaya ito? Gusto niya itong puntahan pero natatakot siya sa maaaring mangyari. At least he's safe kaya wala na siyang magagawa kundi ang manatili rito— sa bahay ng nobyo niya. "Bakit naman po siya nag-hire ng maid? Hindi naman po natin kailangan ng maid dito sa bahay." "Ayan nga ang sinabi ko, hija. Pero wala, e. He a

