Chapter- 4

2031 Words
Nasa isang mall si Yza at abala sa pakikipag-usap sa telepono habang mabagal na naglalakad. Panay ang tawa niya. Sa edad niya, wala siyang kaarte-arte sa katawan. Paborito niyang magsuot ng maong jeans na may hiwa sa magkabilang hita, low-cut boots, at simpleng unisex black leather wristwatch. Nakalugay ang kaniyang mahaba at makintab na buhok. Sanay na rin siya sa mga tingin ng mga taong nakakasalubong o nadadaanan niya, babae man o lalaki. Pumasok siya sa isang pambabaeng salon at agad siyang sinalubong ng isang baklang staff. "Color blonde and hair treatment, please," agad niyang sabi. Walang gaanong customer kaya siya na mismo ang inasikaso. "Ma'am, halina kayo at i-shampoo na natin ang buhok ninyo." "Model? Actress?" tanong nito. "Ordinary girl," nakangiting sagot ni Yza, na halatang hindi naman nito pinaniwalaan. "Napaka-humble mo naman, Ma'am," komento nito. Natawa lamang si Yza. Habang inaasikaso ng dalawang staff ang kaniyang buhok, pumikit siya. Gusto niyang matulog dahil pakiramdam niya ay lalo siyang nare-relax sa ginagawa ng mga ito sa kaniyang buhok. Maya-maya ay narinig niya ang usapan ng mga nasa katabing upuan. "I saw her. Hindi ko lang matandaan kung saan." "Baka naman sa TV o social media," kuro-kuro ng isang staff. Agaw-antok na si Yza nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone. "Hi. It's me, Josh. Are you busy?" "Hindi naman. Nasa salon ako. Why?" "Confidential. Hindi puwedeng pag-usapan sa phone." "I see. Give me two hours and I will be there," agad niyang sagot. Napaisip siya kung bakit siya tinawagan ni Josh Montemayor. Mission? Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Wala naman kasing ibang dahilan. Isa pa, sinabi nitong confidential. Palabas na siya ng salon nang muling mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya ang screen, unknown number ang tumatawag. Sinagot niya iyon ngunit hindi muna nagsalita. "It's me. Saang salon ka?" "Sa mall." "I need your help. Emergency." "What is it? Tell me!" agad niyang sagot. "Basement Parking B. Ayon sa spy, delikado ang pinsan ko. Papunta na riyan ang backup." "Copy, bro." Agad na nagtungo si Yza sa basement. Pinindot niya ang Parking B. Kailangan pa niyang maglakad dahil nasa Parking C siya. Malalaki ang kaniyang mga hakbang habang nakikisabay sa ibang taong naglalakad. Nang marating niya ang Parking B, nagkunwari siyang abala sa cellphone. Mabagal ang kaniyang paglalakad habang isa-isang sinisilip ang plate number ng mga mamahaling sasakyan. "Hmp! Bakit naman kasi ang daming magkakaparehong kotse na kagaya niyan?" Lilingon na sana siya nang makarinig ng mga yabag. Agad niyang ipinasok sa bulsa ang cellphone at mabilis na kumilos. Isang lalaki ang pilit na kinakaladkad ng tatlong lalaki papasok sa isang van. "Hey!" malakas na sigaw ni Yza. Ngumisi lamang ang mukhang goon kaya lumapit siya sa mga ito. Mabilis na sinipat ng kaniyang mga mata ang loob ng van. May driver, isang lalaki sa loob, at tatlong lalaking may hawak sa lalaking nagpupumiglas. "Gusto yatang sumama," pang-aasar ng isang lalaking pangit ang mukha. "Yeah. I want to be with you, guys," aniya. Bigla siyang sumugod at sinipa ang dalawang lalaking nasa magkabilang gilid. Napailing sa sakit ang dalawa habang napaatras at napaluhod sa semento. Agad namang bumaba ang lalaking nasa loob ng van pati ang driver. "Go! Run!" malakas na sigaw ni Yza sa lalaking kanilang kinakaladkad. Ngunit hindi ito agad kumilos. Sinugod na siya ng mga lalaki, kabilang ang dalawang sinipa niya kanina. "I said, go!" "A-and you?" tanong ng lalaki. "Go! I can handle this!" Pagkasabi niyon ay sunod-sunod na siyang inulan ng sipa at suntok ng mga kalaban. Mabilis niyang nailagan ang mga iyon at nakaganti rin sa bawat pagkakataon. Hindi nagtagal ay nagdatingan ang mga security guard ng parking area. Dalawang itim na sasakyan ang mabilis na huminto sa kanilang harapan. Walang oras si Yza upang lingunin kung sino ang mga sakay niyon. Patuloy lamang siya sa pakikipaglaban. "Thanks, Ma.YL. Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Josh. Itinaas ni Yza ang kamay. "Okay lang ako," aniya, saka ngumiti at nagpaalam. Pinahid niya ang gilid ng kaniyang labi. Dahil sa tinamong suntok, bahagyang pumutok iyon. Parang walang nangyari, sumakay siya sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon. Nadaanan pa niya ang mga ito dahil iyon ang kaniyang daan. Nag-menor siya at nagbusina bilang pagbati. Agad namang kumaway si Josh, bago siya tuluyang nagpatuloy sa pagmamaneho. Isang pares ng mga mata ang matagal na nakasunod sa papalayong kotse. "Let's go, cous." "W-who is that lady?" "She's a friend of mine. Why? Do you know her?" balik na tanong ni Josh sa pinsan. "She is very familiar to me. What is her name, Kuya?" "Ma.YL," sagot ni Josh. Muntik nang mabilaukan si JM. "Kuya naman, eh. Nagbibiro ka. Anong klaseng pangalan naman 'yan?" natatawang tanong niya. "What's the problem with her name?" "Ma.YL, oh!" Natawa rin si Josh nang mapagtanto ang ibig sabihin ng pinsan. "Masagwa nga namang pakinggan. Pero initials iyan ng full name niya. Ma. Yzabelle Lupez. Masyadong mahaba kaya naging Ma.YL. Ikaw ha, maloko ka, pinsan!" "Bakit ang galing niyang makipaglaban, Kuya? Kasama mo ba siya dati sa trabaho?" "No. Kasama ko siya sa training. Senior ako noon at junior pa lang siya. Second place siya sa batch nila. Inaalok ko nga siyang magtrabaho sa akin, pero ayaw niya dahil isa siyang lawyer." "I like her. She's very cool," pahayag ni JM. "Eh, di ligawan mo," tukso ni Josh sabay tawa. Nanahimik si JM. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang mukha ni Ma.YL. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito somewhere before. Hinahatid ni Josh si JM sa mansion. Pagdating nila roon ay kinausap niya ang ama nito. "Uncle, he needs a bodyguard. At kung maaari, huwag muna siyang aalis nang mag-isa. Hindi natin alam kung ano ang motibo ng mga taong iyon. Mabuti na lang at may kaibigan akong nasa lugar na iyon." "What happened?" tanong ng kararating lamang na si Charles. "Yang kapatid mo, muntik nang ma-kidnap," agarang sagot ni Josh. "Kung nagkataong wala roon ang kaibigan ko, nasa kamay na siya ng mga kriminal ngayon." "Kuya," singit ni JM. "Saan ba nakatira si Ma.YL? I want to know her address." "Manahimik ka nga, JM! Kanina lang ay muntik ka nang makidnap! Ngayon gusto mo na namang lumabas?" Sinamaan siya ng tingin ni Charles. "Gusto ko lang personal na magpasalamat sa kaniya, Kuya," inis na sagot ni JM. "For what? At bakit kailangan mo pa siyang puntahan? Puwede namang sa phone na lang!" "Siya lang naman ang nagligtas sa akin sa limang kidnapper na iyon, Kuya!" asik ni JM bago padabog na umakyat sa kaniyang kwarto. "Totoo ba iyon, pinsan? Babae ang nagligtas kay JM? Limang lalaki ang mga kidnapper?" Hindi makapaniwala si Charles na may ganoon katapang na babae. "Yeah, it's true. Actually, dati ko siyang kasamahan sa training. Sayang nga, eh. Napakaganda pa naman at isa pang lawyer ang dalagang iyon. Mukhang may matinding dahilan kung bakit niya pinasok ang ganoong buhay." "Eh, sino naman iyong Ma.YL na binabanggit ni JM?" tanong ni Charles habang natatawa sa pangalan. "Siya iyon—si Yza. Ma. Yzabelle Lupez. In short, Ma.YL." Napatayo si Charles nang marinig ang pangalan. "Sigurado ka ba sa pangalang iyan, pinsan?" tanong niya, tila hindi makapaniwala. "Yup. The beautiful Yza—thirty years old, 5'6" in height, maputi, maganda, at higit sa lahat, hot! May gusto ka pa bang itanong? Para kang si JM. Magkapatid nga kayo." Nanahimik si Charles habang malalim na nag-iisip. Napaka-imposibleng ang babaeng iyon ang Yza na dati niyang empleyada. Ngunit ayon sa paglalarawan ng pinsan, iisang tao nga ang tinutukoy nila. Isang invitation ang naabutan ni Yza sa ibabaw ng kaniyang desk. "Hmm..." Dinampot niya iyon at binasa. Ipinasok niya sa drawer bago nagsimulang magtrabaho. Dapat ay maayos na ang lahat bago matapos ang araw na iyon. Galing iyon sa dati niyang kliyente. Isa iyong invitation para sa opening ng bagong gallery ng misis nito. Inilagay niya iyon sa bag at nag-umpisa nang magtrabaho. Dumarami ang mga kasong gustong ipahawak sa kaniya mula nang maipanalo niya ang isang malaking kaso. Sunod-sunod na ang mga gustong kumuha ng serbisyo niya. May mga malalaking kumpanya rin na nag-aalok sa kaniyang maging private lawyer, ngunit magalang niya iyong tinanggihan. Hindi naman ang kaniyang propesyon ang pangunahing dahilan kung bakit siya narito sa Pilipinas. Isa lamang ang gusto niya—malinis ang kaniyang pangalan at maipamukha sa taong nanakit at nagmaliit sa kaniya na hindi siya ganoong klaseng tao. Simpleng cocktail dress ang suot niya nang dumating sa lugar na iyon. Hindi niya akalain na ganito pala kayaman ang matandang unang naging kliyente niya nang magsimula siyang magtrabaho sa isang law firm sa Makati. Maraming media at mayroon ding exhibit na gaganapin. Wala man siyang hilig sa mga ganitong pagtitipon, dahil naimbitahan siya ay pinaunlakan na lamang niya. Siya lamang yata ang walang partner. Sa bawat pumapasok sa bulwagan, lahat ay may kasama maliban sa kaniya. Dedma na lamang siya habang umiikot at pinagmamasdan ang mga naggagandahang painting. "Attorney Lupez?" Malakas na pagbati iyon mula sa isang may-edad nang lalaki. "Hello po, Sir. Kumusta po kayo?" Agad naman siyang ipinakilala nito sa kaniyang asawa at sa ilan pang kaibigan. Panay lamang ang tango ni Yza sa bawat taong ipinakikilala sa kaniya. May ilan na nagpakita ng interes sa kaniya, ngunit wala siyang binigyan ng atensiyon. Halos isang oras na ang lumipas at gusto na niyang umalis dahil wala rin naman siyang kakilala roon. Nakatayo siya sa isang sulok habang may hawak na wine nang hindi sinasadyang mapatingin siya sa kabilang bahagi ng bulwagan. Isang matangkad na lalaki ang matalim na nakatingin sa kaniya. Muntik nang mabitiwan ni Yza ang hawak niyang baso. C-Charles? Nanginig siya at malakas na dumagundong ang kaniyang dibdib. Isang lagok ang ginawa niya sa laman ng baso bago iyon mabilis na inilapag. Agad siyang tumalikod at nagmamadaling umalis. Nasa parking na si Yza nang biglang may matigas na kamay na humablot sa kaniya. Sa isang iglap ay napilipit niya ang kamay ng taong iyon. "Ouch!" sigaw ng lalaki. Agad siya nitong binitiwan nang lingunin niya ito. "B-Boss!" Natigilan si Yza ngunit agad ding nakabawi. Malakas niyang inasiwas ang braso ng lalaki na handa na sana niyang baluktutin. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad. Mahirap nang makita ni Charles ang kaniyang kahinaan. Masyado siyang mahina noon, kaya ganoon ang naging trato nito sa kaniya. Narating niya ang kaniyang kotse at agad na umalis sa lugar na iyon. Hindi na siya makapapayag na muling saktan siya ni Charles Montemayor. Tama na ang lahat ng dinanas niya many years ago. Para saan pa at nagpakahirap siya nang tatlong taon kung bigla ring mawawala ang lahat dahil lamang sa isang lalaki? Ang lalaking yumurak sa kaniyang pagkatao. Simula noon ay itinanim niya sa kaniyang puso at isipan na walang sinuman ang maaaring manghamak sa kaniya. This time, gagamitin niya ang kaniyang mataas na pinag-aralan. Anong silbi ng kaniyang katalinuhan kung hindi niya iyon mapapakinabangan? Pinakiramdaman ng dalaga ang sarili upang malaman kung apektado pa rin siya sa dati niyang boss. Ngunit sa ngayon, wala siyang nararamdaman. Ang nasa isip lamang niya ay linisin ang kaniyang pangalan at ipamukha kay Charles na mali ang lahat ng ginawa nito—ang pananakit at pang-iinsulto sa kaniyang pagkatao. Ilang buwan na rin siya sa trabaho kaya dapat na niyang simulan ang kaniyang tunay na pakay. Matapos ang encounter nila ni Charles sa basement parking ay hindi na iyon nasundan pa. Sisiguraduhin niyang hindi na muling magkrus ang kanilang mga landas. Matapos ang trabaho ay dumaan siya sa isang hardware store. May mga binili siya roon na gagamitin sa plano niyang pag-akyat sa executive office ng dati niyang boss. Gusto na niyang matapos agad ang kaniyang pakay upang makaalis na siya ng bansa. Ang plano niyang pagtatayo ng sariling law firm ay isinantabi muna. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang lahat ng may kagagawan sa pagkasira ng kaniyang credibility. Malakas ang kutob niyang may kinalaman ang dati niyang babaeng officemate. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang litrato ng babaeng iyon na minsang nakita niyang kasama ni Charles sa isang ball party. Kung ano man ang relasyon ng dalawa, wala siyang pakialam. Ipamumukha niya sa mga ito kung sino siya. At hindi na siya ang dating mahina at madaling yurakan. Sa pagkakataong ito, lalaban siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD