Namalayan ko ang sarili kong lumabas ng starbucks at sinundan si Vayne. Kalmado siyang naglalakad papuntang sasakyan na para bang walang nangyare. “Vayne!” Muli kong tawag. Tumakbo ako papalapit. “Vayne!!!” “Miss??” tanong niya na bahagyang nagulat ng harapin ako. “Vayne...” muli kong sambit at kagat labing pinipigil ang luha. Tumitig siya sakin. “Miss..hindi ako si Vayne.” Umiling-iling ako. Sobrang sakit lang…hindi ko mapaliwanag iyong sakit ng katotohanang gantong sitwasyon kami muling magkakausap. Ang hirap...hindi ko matanggap. “...And aware akong gwapo ako miss, pero nag-iisa lang ang mukhang to, kaya impossible...hindi talaga ako ang tinutukoy mo..” sabi niya at ngumiti. “H-hindi...hindi ako pwedeng magkamali..ikaw yan Vayne..” “I’m not Vayne miss…I’m sorry but I have to