“Let’s dance!” “Aish! Ayaw ko sish, lashing nako!” tanggi ko at umiling-iling, napapapikit nako sa sobrang daming nainum. “Hayy! ang hina mo talaga!” sabi niya habang binubuhos ang black label sa kanyang baso. Bahagya akong natawa dahil parehas lang naman kaming mahinang uminum. “Inum na lang tayo” sagot ko at inagaw ang baso sa kanya at diretso iyong tinungga. “Hahah! dabesh katalaga!! alam mo, hindi ko na imagine sish na magkakaroon tayo ng ganto! ginuman bonding!!” “Oo naman saka mga bata pa naman tayo noon at hindi natin hilig! pero ngayon iba na sish!” natatawa kong sagot sa kanya. Pero naiisip kong si Vayne din naman ang rason kung bakit kami nandidito. Kaso langya! ang lakas ng tama sakin nitong... ano ba to?’ ayan na nga, hindi ko na mabasa iyong letter sa kalasingan. “*Hik*