“Best actress ba sis?” Pang-aasar ni Quin. Napanguso nalang ako. Inaasar niya pa rin ako sa ginawa nilang pakulo. Ang totoo ay ilang araw na din nila iyon napagplanuhan mula noong hindi nagpapakita si Vayne at inakala kong nagdadamdam pa din sa nangyare. Pinalabas nilang hindi nila alam kung nasaan si Vayne kahit ang totoo ay alam nila at pinagplaplanuhan ang planong suprise wedding para sakin. “Hahahahah!” Tawanan nilang lahat. After the wedding ceremony ay nandito kami sa resto nila Vayne na nagsisilbing reception kagaya ng design sa simbahan ay pinuno ito ng pink and white flowers and silvers and crystal bilang palamuti. Mula sa arrangement ng mga tables at ng buong paligid. May balloons na color pink and white sa entrance ng resto na kinorteng puso. Kung tutuusin ay simple lang ang p