bc

A Hundred Times Goodbye

book_age18+
84
FOLLOW
1K
READ
family
friends to lovers
goodgirl
versatile
bxg
humorous
bold
female lead
office/work place
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Phenice Earth Parnells meet the man of impeccable character, Jan Patrick Pejannas. A very down to earth man that can make every woman fall. But, Phenice is an exemption. She knows her boundaries.

It was the second day of their intramurals, and she was shocked upon knowing that they were childhood friends. They had their best moments at that time to reminisce their past. She thought that she made the best decision of not falling from the pit of love since they were childhood friends. Days passed and their relationship as friends deepen. But, before Phenice realizes she crossed the line. She fell in love with him secretly. But all her feelings must be stopped. Patrick was arranged by his family to his ex-girlfriend, Penelope.

Will she be able to decide the best decision to make? If you were Phenice, will you fight for what you feel, or deny and say goodbye?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Mister MVP Isinayaw ng hangin ang aking maikling buhok na nagpakiliti sa aking balikat. Tiningala ko ang kalangitang pinupuno ng mga ulap. Napapikit ako ng tuluyang umihip ang malamig na hangin sa aking mukha. Nakakarelax. Parang pinapawi at dinadala ng hangin ang lahat ng aking problema. Isang malakas na pito ang gumising sa aking ulirat. Napatingin ako sa malawak na kapatagan sa harap ng aming eskwelahan. Punong-puno ito ng mga estudyanteng naglalaro ng ibat-ibang patimpalak. Intramurals namin ngayon kaya inanyayahan ang lahat na sumali sa mga patimpalak, ngunit maaantala yata ang laro ngayon kung tuluyang uulan. "Nice? Tulala tayo diyan? Sumali na kasi tayo.'' "Ano namang sasalihan natin Claire? Baka lalampa-lampa lang ako dun." "Ang OA nito! Tamad ka lang. Well, patpatin ka nga!" ani nito. Tumigil ito sa pagsasalita habang nilandas niya ang mga mata sa aking katawan,"pero sa tingin ko iyang braso mo? Naku! Kayang buhatin ang isang lalaki!" "Ano?" napasigaw ako. "Virgin nito! Pero alam mo iyong si Christian? Oo grabe bes ang laki!" Nandito na naman tayo. Tatalak na naman ito at hindi na naman mapigil ang bibig nito. Natawa nalang ako dahil sa kung ano-ano pa ang mga sinasabi niya. Pero, nagpapasalamat parin ako na nagkaroon ako ng kaibigang katulad niya at maituturing ko na ding kapatid. Kahit ganyan magsalita si Claire, matino naman siya. Hindi siya basta-basta pumapatol kung hindi uunahan. Marupok kasi minsan. "Huy! Nakikinig ka ba?" Nagising ako sa aking pagmumuni, "huh? Bakit?" sagot ko sa kanya. "Anong bakit ka diyan? Ang sabi ko punta tayo sa baba. Manood tayo ng laro. Girl, don’t you remember? Iyong sabi ni maam SAO? Naku! Ayaw kong magcommunity service."  Napatango ako. Wala naman akong magagawa dahil kukulitin niya lang ako ulit. Mabuti narin na tumingin-tingin ng masasalihan para sa points. Kung hindi ko maabot ang expected points sa mga sasalihan kong activities, magco-community service ako sa katapusan ng termino. Inaanyayahan kasi lahat ng mga estudyante na sumali kaya nila pinatupad ang patakarang ito.  "Pejannas for three points!" sigaw ng commentator. Naghiyawan ang mga estudyante na nagpaingay sa buong gymnasium.  "Bakit tayo nandito? Huwag mo sasabihing sasali ka sa women's basketball?"  "Bakit Nice? Hindi pwedeng sumali? Kayang-kaya ko iyan!"  "Alam kong kaya mo! Pero alam ko kung saan ka mas babagay," sagot ko nito. Hinawakan ko ang kanyang kamay at kinaladkad papuntang entablado. Nagpupumiglas na ito. "Wait nice! Huwag naman ganito. Alam mong ayaw ko sa ganito," ani nito habang nagmamakaawa. Hindi ko ito pinakinggan. "Claire Faith Lizarria po ma'am," sabi ko sa organizer ng event. Binalingan ko ito. "Sayang ang mukhang ito. Tapos ang ganda pa ng katawan," sabi ko at bumungisngis ng tawa. "Miss Lizarria huwag po kayong mag-aalala, kung maipapanalo niyo po ito pwedeng hindi na kayo sumali sa ibang patimpalak." Namilog ang aking mata,"tama!" Sang-ayon ko nito. "Sasali nalang kaya ako?" "Huwag niyo na po siyang isali ma'am! Alam ko kung saan ito babagay," ani nito at ako naman ngayon ang kanyang kinaladkad. "Sa tingin mo ikaw lang? Hindi Nice! Humanda ka mamaya." "Ayaw mo lang kasi baka ako pa ang manalo." "Ang yabang nito! Tingnan natin Nice pero iba sasalihan mo," hamon niya sa akin. Inirapan ko na lang siya. Kinaladkad niya ako ulit papuntang gymnasium. Ano ba ang gagawin niya dito? Sa pagkakaalam ko, 'he hate boys' kaya nag-aastang boyish siya. Weird, right? Inilibot ko ang aking paningin sa buong gymnasium na puno ng mga tao. "Anong ginagawa natin dito?" Bulong ko sa kanya para marinig niya ang aking sinasabi. "Teka lang! Mainit ang laban. Manood ka lang muna." Snob ni ganda. Tumawa nalang ako at tiningnan ang laro. Ilang segundo nalang at matatapos na ang laro. Napakainit ng laro sapagkat pareho ang puntos ng bawat team. Hawak ngayon ni number two ang desisyon kung lalamang ba sila o magta-tie. His aiming for three points. Every dribble lost a second. Mas lalong naghiyawan ang mga tao. Dama ko ang kaba, pressure, at kasabikan. Sa isang iglap, pinakawalan niya ito. "Pejannas for three!" Anunsyo ulit ng commentator. Nagkagulo ang lahat ng naishoot ito nung player number two.   Nanalo ang aming eskwelahan kaya nagmistulang alon ang lahat ng mga estudyanteng tumatalon. "Sayang talo sila." Ani Claire habang busangot ang mukha. "Huh? Akala ko..." Tiningnan ko kung saan siya nakatingin. Alam ko na kung bakit. Kitang-kita ko kung paano niya tinitignan ng malagkit ang player sa kabilang team. Tumayo ito bigla. "Hindi ko na ito kaya! Tingnan mo si Christian!" At kinurot pa talaga ang braso ko. Nagbibihis kasi ito kaya kita ang katawan nitong pawis na pawis. Pinapahiran nito ang katawan habang umiinom ng tubig. Napabaling ako sa aking kaibigan na napalunok sa kanyang sariling laway. "Excuse me," isang baritonong tinig ang aking narinig. Napabaling agad ako dito. Tinitigan ko ito. Ito iyong lalaking nakakuha ng MVP. Itinuro niya ang daan kaya napaatras ako. Nginitian ko ito at tumungo na rin bilang pagpapaumanhin. Napapikit ako ng nalanghap ko ang dala niyang pagkain. Masasabi mo talagang masarap na ito kahit amoy pa lang. Bigla akong nagutom dahil sa aking naamoy. "Claire?" Gising ko nito. Nakatulala parin kasi ito sa lalaki. Napalingo-lingo nalang ako at iniwan siya na nakatunganga. Palabas na ako ng mahabol niya ako. "Nice? Bakit mo ako iniwan?" Ani nitong galit. "Girl? Akala ko ba 'I hate boys'. Parang hindi totoo," bigkas ko habang ginagaya ang kanyang boses. Ginaya ko pa kung paano tumaas-baba ang kanyang mga kilay. Natawa ito. "Ewan ko sa iyo! Hindi mo kasi naiintindihan. Wala ka kasing crush!" Umirap ito sa akin habang nakangiti. "Whatever!" Nandidiri kong saad sa kanya. "Siya nga pala, nagutom kasi ako kaya tinawag kita. Pero parang huwag nalang. Tulo-laway ka kasi kung makatingin," biro ko sa kanya. "Tseh! Hindi kaya. Mabuti pa punta nalang tayo sa mga stall, may libreng pagkain daw?" Suhestiyon nito. Alam kong iniiba mo lang ang usapan Claire. Tsk! "Totoo? Baka nga may pa freebies sila." Excited kong bigkas. Kanina pa kumakalam ang aking sikmura. Dali-dali kaming pumunta sa mga stall. Tinitingnan ang mga masasarap na pagkain. Mas natakam ako sapagkat ang bango-bango nito. Nakapili na ako kaya kumuha ako ng isa ngunit pinigilan ako ng tindera. "Isang daan po iyan ma'am," sabi sa akin ng tindera. Nagulat ako at ibinalik agad ang kinuha. Akala ko ba libre ito. Binalingan ko ang kaibigang naka-peace sign. "Akala ko libre Claire?" Pinaningkitan ko na naman ito ng mata. Isang pilit na ngiti lamang ang kanyang iginante sa akin. "Napahiya tuloy ako Claire. Ano? Pagbabayadin ba tayo nito? 'Touch moved' ganoon?" Mahina kong bigkas sa kanya ngunit may diin. Bumaling ulit ako sa nagtitinda at nginitian ko ito, "ma'am naiwan ko po pala ang wallet ko. Babalik nalang kami ma'am. Okay lang po?" Tanong ko sa nagtitinda. Lord! Ikaw na po ang bahala sa akin. "Okay lang ma'am," nakangiting sagot niya sa akin. Pinakawalan ko ang kanina ko pang pinipigilang hininga. Nginitian ko muna si ma'am para magpaalam. Binalingan ko ulit ang kaibigan kong nagpipigil ng tawa. "Nagtanong lang naman ako. Di ko sinabing libre talaga. Peace!" Napabuntong hininga nalang ako. Natawa kaming dalawa dahil sa tagpong iyon. Napagdesisyunan naming sa school canteen nalang bumili dahil maraming pagkaing mura. Maraming mga estudyante ng narating namin ito. Itong kasama ko naman panay naman ang reklamo. "Claire? Ang ingay mo." Hindi ko na talagang mapigilan ang maingay niyang reklamo. "Ang daming tao dito Nice!" "Malamang Claire. Kantina po ito," sarkastikong sagot ko nito. Biglang kumulog ang kalangitan at sinundan ito ng malakas na kidlat. Napatili kaming lahat sa gulat dahil sa pagtili ng malakas ni Claire. Unti-unting umaambon ang ulan kaya minabuti naming sumilong. "Ang lakas mong tumili Claire!" "Nice! Punta na muna tayo sa room natin." Balisa nitong sagot sa akin. "Teka lang, mabilis lang ako. Gutom na kasi ako Claire." "Nako! Kapag kumidlat ulit iiwan kita dito." Ang duwag nito. Tumawa nalang ako. "Oo saglit lang talaga." Binilisan ko ang pagpili ng mga pagkain. Tiningnan ko din ang mga pagkain kung swak ba ito sa aking budget. "Nice? Sama ka sa akin mamaya." "Huh? No choice ako?" Kinunotan ko ito ng noo. "Diba mayroon daw tayong homeroom meeting mamayang alas tres?" "Huh? Meron ba? Parang wala naman Nice," sagot nito habang ang mga mata ay nakatingin saan-saan. Pinaningkitan ko ito ng mata. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. "Pinaalalahanan lahat tungkol sa-" "Oo nga pala!" Sabat nito na ikinatigil ko. Sarkastiko akong ngumiti sa kanya. "Alam mo Claire? Huwag mo ako-" Nabangga ako. Binaling ko kaagad ang aking mukha. Isang anghel ang nadatnan ng aking mga mata. Makapal ang mga kilay nito. Nakangiti ang mata, matangos ang ilong, at nakangiti ang mga pisngi nito. Bago ko pa matingnan ang mga labi nito ay hinapit niya ang aking baywang. Lumapat ang aking ilong sa kanyang baba. Naituon ko ang aking mga mata sa kanyang labi. Nakangiti ang mapupulang labi nito. Dali-dali akong lumayo ngunit mali ata. Kay bilis niyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking likuran. Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa aking baywang. Nanigas ang aking katawan nang naglapat ang mga katawan namin. Tiningala ko siya ngunit hindi ko marinig ang mga binibigkas ng kanyang labi. Parang nabingi ang tenga ko sa lakas ng pintig ng aking puso. "Miss okay ka lang?/Bes? Tulo laway ka!" Sabay nilang bigkas. Ngunit sigaw ni Claire ang pumukaw sa akin. Nahiya talaga ako ng isatinig pa ito ni Claire. Wala akong nagawa kung hindi yumuko nalang sa aking kaharap. "Mabuti nalang dala ko ang payong ko," bigkas niya. Napatingin agad ako sa paligid. Malakas nga ang buhos ng ulan. Tiningnan ko si Claire kung saan siya at nandoon lang sumilong sa stall. Nabaling ang aking atensyon sa mga estudyanteng nagbulong-bulongan. Bakit napalayo ata ako? Bahagya kong inilayo ang aking sarili. Sapat lang para hindi mabasa ng ulan. "Pagpasensyahan mo na kung nabangga kita. Hindi ko sinasadya." "Okay lang. Pasensya na din," ani nitong nakangiti. "Pwedeng doon nalang ako? Salamat?" Turo ko kung nasaan si Claire at nginitian ko ito. Hinatid niya ako kung nasaan si Claire. Tuwang-tuwa pa talaga si Claire sa lagay ko ngayon. Hindi ko na alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Okay lang bang magpahatid kay mr. MVP? Ewan ko sapagkat grabe makatingin ang mga estudyante sa akin. "Maraming salamat at pasensya na kanina." "Okay lang. Kasal-anan ko din," ngiti niyang bigkas sa akin. Napadako ang aking tingin sa kanyang labi na nakangiti. Ngiti lang naman ito na kayang gawin ng lahat, pero bakit iba? Iba siya kung paano niya pinapangiti ang kanyang labi. "Huy! May sinasabi si Patrick!" Pukaw sa akin ni Claire. Patrick pala ang pangalan ni mr. MVP. Teka. Huh? 'Bakit kailangan kong malaman ang pangalan niya?' Iniwaksi ko sa aking isipan ang mga tumatakbong tanong. Mga tanong na kailanman ay hindi importante. Weird. Hindi ko alam kung bakit. Nagtawanan ang mga kasamahan ni Patrick sa aking pagkatameme. "Sinadya iyan ni Patrick pre! Wala naman siya diyan kanina ah?" Asar ng nga kasamahan niya. Hindi ko na natiis ang kahihiyan. Kinaladkad ko si Claire palayo sa lugar na iyon. Gusto ko lang iligtas ang aking sarili. Kung paano ako tingnan ng mga estudyante, malamang hindi ko gusto kung ano ang mangyayari sa akin bukas. "Claire? Nakakahiya iyong kanina. Bakit ba kasi," hindi ko na natapos ang aking sasabihin. Huminga ako ng malalim. "Ewan ko nalang bukas Claire. Ayaw kong maging headline ng mga chikahan sa talipapa," nanggigil ay tumingin ako sa aking kasama. Napabitaw ako sa mga kamay na akala ko ay sa aking kaibigan. Kaya pala kanina pa ako salita ng salita ay hindi naman ito sumasagot. 'Bakit hindi ko napansin ang malaki niyang kamay?'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook