"Ano bang ginagawa mo dito Aceshelle? Napaka-Aga mo yatang Mambulaw." inis kong Tanong kay Aceshelle. Nasa loob kasi siya ng Silid ko. At Hinampas ako ng Unan para magising ako. "Alam mo ba kung Anong araw ngayon?" Inis na tanong ni Aceshelle. Muli akong humiga sa kama ko. At pumikit ngunit bago pa ako tuluyang Maglakbay ang diwa ko. Muli na naman akong hinampas ng unan ni Aceshell. Inis akong bumangon. "Ano ba kasi Aceshell!" "Mag asikaso ka na kung ayaw mong buhusan kita dyan ng malamig na tubig." Sumimangot ako sa kanya. Minsan nakakainis ang magkaroon ng matalik na kaibigan. Kasi lahat ng Private life mo binibigyan mo siya ng karapatan. Katulad na lang ng pagpasok niya loob ng kwarto ko. Hindi ko tuloy magawang ituloy ang tulog ko. May hang over pa naman ako dahil nakipag inuman a