Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Ang Tribong Manlikmot 1" Part 26 Nag handa ng espesyal na hapunan ang mama at papa ni Seth, syempre nakitulong na rin ako sa pag iihaw ng karne at isda. Ibang klase din ang salad nila dito dahil sariwang prutas na hiniwa ang mga sangkap. Noong mga sandaling iyon ay wala akong mapag sidlang kaligayahan, ramdam na ramdam ko ang pag tanggap ng mga magulang ni Seth sa akin dahil kung ituring nila ako ay parang isang tunay na anak na rin. Masaya naming pinag salo-saluhan ang mga pag kaing inihanda ng bawat isa at habang kumakain ay nag kwento naman si Seth ng mga karanasan niya doon sa siyudad, nakakatuwa itong pag masdan dahil para siyang isang bata na nag bibida tungkol sa kanyang mga ginawa noong mga nakalipas na araw. Ang kanyang mga magulang naman ay tuwang