Nainis man si Althea sa pang-aasar ni Luan sa kanya sa kanilang hapunan pero naging masaya naman siya sa mga sumunod nilang ginawa. Nag-bonfire kasi sila sa gilid ng dagat habang hitik sa bituin ang kalangitan. Very romantic para kay Althea ang sandaling 'yon lalo pa at silang dalawa lamang ni Luan ang naroroon, habang akbay-akbay siya nito. "Bakit kaya hindi kayang bilangin ang bituin?" wala sa sariling tanong ni Althea kay Luan. "Kung mabibilang ko ba ngayon ang bituin ay sasagutin mo na ako?" untag naman nito. "Kaya mo bang bilangin?" maang na turan ni Althea na may pagdududa sa mukha. "Kakayanin ko basta masungkit ko lamang ang matamis mong oo," tila makatang turan ni Luan dahilan para matawa na lamang si Althea. "Baka mag-umaga na ay hindi mo pa tapos bilangin," giit niya sa lala

