Chapter 37:

1655 Words

Hindi nakahuma si Althea nang makitang magkasama sina Miss Ventura at si Luan. Kapansing-pansing iwas pa rin ang mga tingin ni Miss Ventura sa kanya ngunit hindi nakaligtas ang simple nitong pagngiti. Marahil ay inisip nitong sa pagpapakitang magkasama sila ni Luan ay nanalo ito. "Hoy, girl, ayos ka lang ba?" untag agad ni Danica sa kanya. "Ha? O‐Oo n-naman," nauutal niyang sagot. "Are you sure?" gagad naman ni Beatriz. "Bakit, mukhang iiyak ka na yata," puna nito dahilan upang mabilis na ibaling sa iba ang tingin. "Naku! Naku! Naku! Mukhang nag-bounce back sa friend natin ang plano nito kanina, ah," bulalas ni Danica. "Ay, so true," segunda naman ni Beatriz sa tumawa ang mga kaibigan. Hindi kumibo o sumagot man lang si Althea sa mga parunggit ng mga kaibigan bagkus ay nagsimula siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD