Hindi inaasahan ni Melencio ang sasabihin ng imbestigador sa kanya, kaya siguro ganoon na lamang ang reaksyon ng kanyang asawa. "Ano'ng ibig niyong sabihin na may nakakakilala sa anak namin?" maang niya sa kausap. "Opo, sir, kaya nandito kami ngayon sa Cavite dahil sabi ay dito nila namataan ang anak ninyo. Nagpunta po ba sa Cavite ang anak ninyo?" tanong nito. "Hindi," tipid na tugon. "Iyon nga po ang sabi ni ma'am kaya posible po na buhay ang kakambal ng anak ninyo," bulalas nito. "Sige, kung kinakailangang suyurin ninyo ang buong Cavite ay gawin ninyo," maigting na pahayag ni Melencio sa kausap. "Opo, sir, gagawin namin ang lahat mahanap lamang siya," sagot pa ng kausap. "Papa, ano bang sabi ng kausap niyo?" hindi maiwasang itanong ni Althea sa ama sa nakikitang reaksyon sa mukha

