Chapter 76:

2085 Words

Nagbubunyi ang puso at isipan ni Althea sa mga narinig na sinabi ni Luan nang muli ay marinig ang boses ng ama. "Ano namang dala mo, hijo at mukhang dinala mo yata ang buong bahay niyo?" tinig ng ama at doon ay ibinalik ni Althea ang tingin kay Luan. Nakita ang bitbit nitong paper bags at dalawang bayong. Maging si Althea ay napataas ang kilay nang makita ang dala-dala ng lalaki na iniwan pa ang ilan sa may pintuan. Hindi pa man nakakasagot si Luan ay dumating mula sa kusina ang mama ni Althea. "Ay, mabuti naman at nandito ka na, hijo, kanina ka pa namin hinihintay. O, ano, nabili mo ba lahat ang pinapabili namin sa palengke?" bulalas ng kanyang mama. Napamaang si Althea, ginawa pa palang tagapamalengke si Luan ng ina. "Mama, bakit naman po inutusan niyo pa itong si Luan?" angil niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD