KIERA POV Nagising ako sa umaga na masama ang pakiramdam, kaagad akong bumangon nang maramdaman na parang bumabaliktad ang aking sikmura. Mabilis ang hakbang kong nagtungo ng banyo at doon ay pilit na dumuduwal. Napahawak ako sa aking tiyan at hinaplos 'yon. Kahit na mahirap sa umaga ang nagiging epekto nito sa katawan ko ay nandoon pa rin ang saya. Magaan ang pakiramdam kong naghilamos at naglinis ng ngipin gamit ang mga kagamitan ni Darren. Namgingiti akong lumabas nang banyo at agad sumalubong sa tingin ang mukha ni Darren na mahimbing na natutulog. Nakadapa ito habang nasa gawi ko nakaharap ang kanyang mukha. Kahit gustuhin ko pang manatili sa kama at yakap-yakapin siya ay hindi na pwede dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Bahagya kong sinilip ang kanyang mukha bago nakangitin