Chapter 1

1529 Words
Kiera Maaga pa lang ay naglilinis na ako ng bahay, kailangan kong matapos ito bago pa man magising ang dragon kong amo. Oo, amo ko na rin ang impaktang 'yon na ubod ng sama ang ugali. Pagkatapos ng engagement nila ni boss ay dito na rin siya tumira. Ang dating tahimik na buhay ko dito sa mansyon ni boss ay biglang gumulo. Baka nga magiging impyerno pa dahil sa kanya. Kung si boss Darren Althea lang ay wala akong problema. Mabait ang taong iyon at laging wala dito sa bahay dahil sa dami ng trabaho niya. Pero ang impakta niyang mapapangasawa, 'di na nga kagandahan ay dumagdag pa ang ugali nitong kasing pangit din niya, akala niya siguro ay Reyna siya kung makaasta. Lalo na pag wala si boss ay lumalabas ang tunay niyang ugali pero kung nakaharap naman kay Boss ay para bang maamong tuta na 'di makabasag pinggan. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ni boss sa kanya. Hindi ko matukoy kung anong nakita niya sa babaeng iyon para mahalin niya na kung tutuusin ay mas maganda naman ako sa kanya. Ayst..sana nga ako na lang ang nasa lugar niya pero alam kong imposible 'yon mangyari, suntok sa buwan ang bagay na' yon. Hanggang pangarap lang ako dahil langit siya at lupa ako. Kayhirap niyang abutin. Kahit na nandiyan na siya sa tabi ko at abot-kamay na siya ay para bang ang hirap parin makuha ang pagmamahal niya. "Handa na ba ang breakfast ko?" tanong ng impakta na nagpagising sa diwa ko. Masakit sa taenga ang boses nito at nakakairitang pakinggan. Hindi ako basagulera, hindi ako mahilig sa away o manakit ng damdamin ng iba pero pagdating sa kanya ay sadyang kumukulo ang dugo ko pero ganun pa man, wala akong magawa kundi ang sundin siya. Kailangan ko siyang pagtiyagahan dahil magiging amo ko na rin siya. Mapait akong napangiti sa isiping magiging amo ko na siya. Wala na Kiera. Oras na siguro para kalimutan mo na siya. Nahanap na niya ang kaligayahan niya sa ibang babae kaya palayain mo na. "Handa na po, madam!" Magalang na sagot ko. Bahala na, magtitiis na lang ako sa ugali niya hanggang sa makaalis ako dito sa bahay ni boss. Darating din ang araw na matatapos na ang pagtitimpi ko sa kanya. Makakalaya na rin ang sarili ko sa nararamdaman kong ito. Hindi man sa ngayon pero darating ang araw na ako mismo ang aalis sa bahay na ito, pumayag man siya o hindi basta aalis ako. Wala ng dahilan pa para manatili dito sa oras na maikasal na sila "Where is my food?" Maarteng tanong nito kahit na nasa harapan naman niya ang lahat ng pagkain. Ang arte, kung hindi ako makapagtimpi ay baka isusubo ko talaga sa kanya ang boung plato. "Madam, 'yan po, nasa harapan niyo na po ang lahat ng pagkain! ". Sagot ko habang nakaturo ang aking kamay sa mga pagkain.Sana ay maramdaman niya ang sarkasmo sa tinig ko. Kaunting pasensya pa Kiera. Wag ka muna bibigay. "Put some food in my plate!" Walang gana nitong sabi. Malumpo ka sana. Tanging nasabi ko na lang sa isip ko dahil sa katamaran niya. Baka gusto pa niyang subuan ko na rin siya. "Good morning, Honey..! " Malambing ang boses na bati ni Boss sa impakta na humalik pa sa pisngi nito. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso at ang biglang pagsikip ng aking paghinga. Nasasaktan na naman ako kahit alam kong hindi ko dapat maramdaman ang bagay na 'yon dahil wala akong karapatan. Tiis lang Kiera, kaya mo 'yan para sa kanya. Paulit-ulit ko man kumbinsihin ang aking sarili na magiging ayos lang ako, na kakayahin ko pa ang sakit ay wala parin epekto. Lagi na lang nagtatapos ang isang araw ko na punong-puno ng sakit ang puso ko. Lagi na lang ay ang unan ko ang saksi kung gaano karami ang luhang nasasayang ko nang dahil sa kanya. Nakatayo lang ako dito sa isang gilid at pinagmamasdan sila habang kumakain. Ganito ang gusto ng impakta, ang bantayan sila habang kumakain. Dahil ayaw daw niyang sumigaw pag may iutos siya sakin. Bagay na ayaw ni Boss pero wala rin siyang nagagawa dahil iyon ang kagustuhan ng babaeng mahal niya. Gusto niya akong pahirapan, gusto niya akong patayin ng dahan-dahan. Ayaw ko man pero di ako makatanggi. Kailangan kong magtiis para sa kanya. Kung si Boss lang ay wala akong problema pero iba sa impaktong babae na'to. Gusto niya ay siya lagi ang nasusunod. "Honey, feed me!"Paglalambing nito kay Boss at napatawa naman ang lalaki sa ka-sweet-an ng fiancé. Napaiwas ako ng tingin dahil do'n. Bago pa lang silang magkakilala pero mahal na mahal na siya ni Boss. Ayaw kong manghusga pero hindi ko maintindihan kung ano ang nagustuhan niya sa babaeng ito. Siguro ay dahil sa matinding pangungulila ay nahanap niya sa piling ng babaeng 'yon ang kapayapaan at katahimikan ng puso niya. Hindi ko rin masisisi si Boss kung gugustuhin na niyang bumuo ng sarili nitong pamilya dahil katulad ko ay maaga rin siyang naulila at nag-iisang anak pa. Kami na lang ang kasama niya sa buhay. Masaya naman kami noon, hindi ko man matatawag na pagmamay-ari ko siya, pero maayos ang samahan namin sa loob ng bahay. Malaya kong nagagawa ang lahat nang gusto ko na walang nag-uutos. Ang ugali niya ang pinakanagustuhan ko sa lahat. Siya 'yong tipo ng tao na ayaw na may inaapi lalo na pag nasa kinasasakupan niya. Siya ang tao na kahit anong yaman ang mayro'n siya ay 'di ka niya mamaliitin. Hindi ka niya ituturing na mababa sa kanya dahil para sa kanya ay walang mayaman o mahirap sa mundong ito. Napakagat labi ako at napayuko ng magtawanan sila. Heto na naman ako sa sakit na nararamdaman ko, kailan ba ako masasanay? "Boss, sa kusina lang po muna ako!" nagpaalam ako nang hindi ko na kayang tiisin ang paghaharutan nila sa harapan ko. Tinaasan ako ni impakta ng kilay kaya bahagya akong pilit na ngumiti sa kanya. "Sige Kiera, kumain na rin kayo!". Nakangiting sagot ni Boss kaya napangiti na rin ako. Isang ngiti niya lang ay para bang biglang napapawi ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Simpleng galaw pero malaki ang epekto no'n sakin. "Salamat Boss!" Nakangiting sabi ko at muli pang tumingin sa kanya. Sa pagharap ko sa kanya ay agad na napakagat labi ako ng magtama ang aming mga mata. Halo-halong emosyon ang makikita sa kanyang mga mata pero hindi ko matukoy kung ano o kung para ba sakin iyon o para sa babaeng nasa tabi niya ngayon. Gusto kong batukan ang aking sarili sa mga naiisip ko. Nangangarap na naman ako ng gising. Napapatanong tuloy ang isip ko kung kailan ko ba tuluyan matatanggap na hindi para sa akin si Boss. Kailan ko ba matatanggap na kung ano man ang samahan namin noon ay hanggang doon na lang iyon, na kahit anong gawin ko para sa kanya ay hindi niya makikita ang totoo kong hangarin at ang lihim kong nararamdaman para sa kanya. Langit siya at lupa ako. Alam kong hanggang tingin na lang ako sa kanya. Ang tangi ko na lang magagawa ay ibulong sa hangin ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. Kaya kong gawin ang lahat ngunit hindi ko kayang sabihin. Wala akong lakas ng loob para ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko. Noon ay kuntento na ako na lagi siyang nakikita at nakakasama sa iisang bahay. Masaya na ako do'n ngunit biglang nagbago ang lahat nang mag-uwi siya ng babae sa sarili niyang pamamahay kung saan ako nakatira kasama siya. Gusto kong tumutol at hadlangan ang plano niyang iyon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi tama at wala akong karapatan para pakialaman ang desisyon niya sa buhay. Ang papel ko lang sa buhay niya ay isang kababata at maituturing na kaibigan, alam kong hanggang do'n lang ang papel ko sa buhay ni Boss. Kahit si Nana na nag-aruga at nagpalaki sa amin ay walang ginawa. Ayaw man niya sa desisyon na 'yon ni Boss pero hinayaan niya lang ito at sinusubukan kilalanin ang babaeng makakasama ni Boss. "Hayaan niyo siya, hindi na siya bata para hindi malaman ang mali at tama. Ang magagawa na lang natin para sa kanya ay suportahan siya kung saan siya sasaya!" Kahit ang Tito Derek ni Boss ay natahimik ng bitawan ni Nana ang mga katagang 'yon. Wala ni isang umalma sa desisyon na' yon ni Boss. Si Nana at Tito Derek, ang dalawang taong 'yon na nag-alaga at gumabay sa' kin, napakalaki ng utang na loob ko sa kanila. Wala ako ngayon sa mundong ito kung hindi dahil sa kanila. Napakalaki nang naging papel nila sa buhay ko at habang buhay ko 'yon tatanawin na utang na loob. Nang dahil sa kanila ay 'di ko naramdaman na nag-iisa na lang ako sa buhay. Nang dahil sa kanila ay naramdaman kong may pamilya parin ako kahit walana sila Nanay at Tatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD