"Oddy Halika na, maligo na!" "Ayaw!" Nakakabingi talaga ang boses ng biik na ito lalo na pag sumisigaw parang kinakatay. Pinuntahan ko siya sa kama na abala sa pag-vi-video games, hinablot ko ang tablet at tinago sa likod ko. Hindi pa rin siya nadadala kahit na pinalo ko na siya. "Yaya pig give that to me!" "Hindi ka maglalaro hanggat di ka naliligo!" Sinamaan niya ako ng tingin sabay kibit balikat niya. "Handa na ang paliguan mo, pumasok ka na sa banyo! Kala mo siguro magiging mabait ako sayo dahil meron kang sumanbulism pwes hindi!," sambit ko habang nakapameywang sa harap niya. "Sumanbulism? Tama ba sinabi ko?" "Somnambulism yaya pig!" "Ahh basta maligo kana. Ang baho mo na oh, amoy suka ka! Ang mga batang katulad mo dapat naliligo ng maaga." Umismid