"Sorry po, Ma'am, hindi ko po sinasadya ang ginawa ko. Sobrang inis ko lang po noon kaya hindi na ako nakapag-isip ng tama. Huwag na po sana kayong magalit sa asawa niyo dahil hindi po talaga kami magkakilala," senserong paghingi na nga ng tawad ni Ayu sa ginang na ina ni Mychal. Kaharap na niya ito ngayon at hiyang-hiya talaga siya. Kagalang-galang kasi si Misis Alvares. Gayunman, makikita sa mukha nito ang pagdadalamhati. Nasaktan nga siguro ito nang sobra sa ginawa niya at siguro dahil sa pag-aaway nila ng asawa nito. "Bakit mo nagawa iyon, iha? Hindi laro ang buhay," tapos ay napakaseryuso nitong wika. Ngayon lang nakaramdam nang sobrang hiya sa tanan ng buhay niya si Ayu. "Sorry po talaga, Ma'am, pero maniwala po kayo hindi po ako kilala ng asawa niyo at lalong hindi niya ako babae