Nahihiya si Ayu na bumangon mula sa kamang tinulugan. Alam niya kasi na kama iyon ni Vanya. Unang mulat pa lang niya ng mga mata niya nang nagising siya ay nabatid agad niya na naroon siya sa bahay ng kaibigan. At naaalala na rin niya ang kagagahan na naman niyang ginawa. Sapo ang ulo niyang lumabas sa kuwarto "Buti naman at nagising ka na? Hulaan ko, masakit ang ulo mo, ‘no? Laklak pa," pansin sa kaniya ni Vanya na palabas ng kusina. Nahihiya siyang ngumiti sa kaibigan. "Ay naku, Ayu, kailan ka ba aayos, ah? Pati ibang tao naaabala mo na diyan sa... ay ewan kung anong tawag diyan! Basta ang alam ko ay KA-TA-NGA-HAN!" umpisa na ng sermon sa kaniya. "Ang sakit mo naman magsalita." Inirapan niya ito. Parang hindi talaga kaibigan, eh. Tinungo niya ang sala at umupo sa kahoy na sofa saka