Ang sama ng tingin ni Athan kay Yannie. Narinig niya kasing ‘Ate’ ang itinawag ng asawa sa kausap nito sa phone kaya nabatid niyang si Yanna iyon. At napapailing siya. Pumasok sa isip niya ay ang kapatid ni Yhannie ang nagtuturo sa asawa para magrebelde o para gawin ang mga bagay na gano’n na wala namang kabuluhan. Walang naitutulong kundi lalo lang pinapalala ang kanilang sitwasyon na mag-asawa. "Dad, can I ask you something?" si Nana na nagpawala sa kaniyang malalim na pag-iisip. "What is it, baby?" Hinaplos ni Athan ang pisngi ng anak. Kasalukuyan silang naglalaro kanina pero dahil nauhaw ito ay pumasok sila sa loob ng bahay. ‘Yun na lang ang paraan niya para hindi siya panawan ng matinong katinuan—ang makipaglaro sa anak. Sadyang nakakabaliw kung tutuusin ang ginagawa sa kaniya ng a