Medyo nasilaw pa si Ayu sa maliwanag na ilaw ng silid kung saan siya naroon. Hindi kasi pamilyar sa kaniya ang kuwarto. Puti ang mala-chandelier na ilaw at puti rin ang pintura ng ceiling at wall. Nang ibiniling niya ang ulo niya sa kanan ay may nakita siyang side table na may nakapatong na lampshade, puti rin. May bintana na nakukurtinahan ng kulay puti papuntang abo. Nang inilapat niya naman niya ang tingin sa kaliwa ay isang flat screen TV na naka- mouted sa dingding. Nakaharap doon ang kulay puti rin na couch. Terno sa kurtina. Malapit doon ang pinto. Nagtataka man ay humanga siya dahil maaliwalas ang silid gawa ng puro puti ang lahat ng bagay na naroon. Mula pintura ng mga dingding, kama at mga palamuti. Parang ang linis ng lahat. Nakakagaan ng pakiramdam. Subalit napakunot-noo pa r