PAPALABAS na ng department store si Light nang biglang nahulog ang laman ng paper bag niyang hawak. He have no choice kundi ang simutin iyon. Kahit butas ay gumawa pa rin siya ng paraan para lang may malagyan ang pinamili niya. Nang matapos iyon ay tuluyan na siyang lumabas. Naglakad siya patungo sa parking lot dahil naroroon ang kaniyang sasakyan. Pero natigilan siya nang may biglang humara na isang van, bigla iyong bumukas at bumungad ang isang lalaking may hawak ng baril. Nanlaki ang mga mata niya at nabitawan ang hawak. "W-what are you doing?" kinakabahan niyang tanong. "Pasensya na, trabaho lang!" pagkasabi noon ng lalaki ay bigla siyang pinaulanan ng maraming bala. Ni hindi niya nagawang makaalis at ramdam niya ang sobrang sakit dahil sa bawat putok ay bumabaon ang bala noon. Nat