Napasubsob ako sa semento nang itulak ako ng lalake saka ipinatayo uli. Nakangising tinitigan ko si Luke na hinawakan ako sa kuwelyo.
"Wala kaming kinikimkim na galit sa pamilya mo kaya malabong paniwalaan ka nila kapag isinumbong mo ako."
Lumapat sa kaliwang pisngi ko ang malakas na sampal ni Luke. Para akong namanhid sa sakit kaya naman hindi ko mapigilan ang matawa.
"Oh, s**t! Eto lang ang kaya mong gawin?" I offered my other cheek to him. "Come on. Ulitin mo para mas maramdaman ko."
Naging mabalasik ang nakaplaster na mukha ni Luke bago niya ako suntukin sa sikmura. Napaungol ako sa sakit lalo na nang patayuin uli ako ng mga iba pang lalaki na hawak-hawak ako sa braso.
I coughed out blood and let it dripped out of my mouth. I looked at him mockingly.
"And you call yourself a man? I could slap better than you. Bakit hindi mo ako kalagan ngayon, my dear Luke. Let's make it more fun! Come on!"
Sinabunutan ako nito at buong panggagalaiting itinulak sa maputik na sahig ng abandonadong factory nito sa Cerro Roca. Napasubsob ako sa isang matulis na kahoy at naramdaman ang pagtusok nito sa upper lip ko.
They spotted me in the forest earlier and threatened me with a g*n so I had no choice but to go with the flow.
He went back to me and cornered my face using his hands. "Kita mo ito? Titigan mong mabuti ang ginawa mo sa mukha kong ito, Cahil."
Natatawang tinitigan ko ang mukha nito. "Man, how can I see it? Balot na balot ka ng benda! Tanggalin mo para mas maayos na makita ko. Be thankful Luke that I didn't smother out your whole face."
Luke looked like he would spit fire at any moment.
"Ang yayabang ninyong mga Asturia. Akala ninyo ay diyos kayo at luluhod kaming lahat sa inyong nilalakaran. Kung nasanay ka na hinahayaan ka lang ng mga naaagrabyado mo, that's not the case when it comes to our family, Cahil."
He slapped me again until I can't feel my face anymore. Bumaling ito sa dalawang lalake at inutusan ang mga itong paluhurin ako. Pagkuwan ay kumuha si Luke ng isang katatamtamang tubo at nakangising itinaas ang mukha ko gamit ito.
"Tingnan lang natin kung makangiti ka pa sa gagawin ko sa iyo."
Itinaas nito ang tubo sa ere para hatawin ako kaya ipinikit ko ang mga mata para paghandaan ang sakit. When the first blow landed on my shin, I literally heard my bones breaking.
Napasigaw ako at napaihi sa sakit. Halos himatayin na ako pero pinanatili kong gising ang sarili. Nang itaas uli ni Luke ang tubo ay kinagat ko ang dila at ikinuyom ang mga kamao pero hindi ko naramdaman ang kaparehong sakit. Instead, bullets downed the men one by one including Luke.
Nabitawan ni Luke ang hawak na tubo at nagsisigaw sa sakit nang tumama ang bala sa binti nito. Hindi rin nagtagal ang mga sigaw nito dahil nawalan ito ng malay nang isa-isang tubuhin ito sa ulo ng kadarating na lalake.
Nag-angat ako ng tingin kay Nathan na naiiling na tiningnan ang bugbog ko na katawan.
"Oh wow, there goes my knight in shining armor!" biro ko at napangiwi nang sumigid ang kirot sa nabaling binti. Bumagsak ako sa sahig at namilipit sa sakit.
He hurriedly went to my side and inspected it. Natutok ang tingin ko sa mga nakabulagtang tao.
"Patay na ba sila, Nate?"
"No, they're still breathing but loss of blood could be their cause of death from now."
He looked at my injuries as if he can't believe what he's seeing.
"What were you doing just being tied down and beaten to death, Cahil? You were not as weak as this as I remember you to be."
Nagbuntunghiningang naupo ito sa tabi ko at hinubad ang t-shirt para punasan ang pawis at dugo sa mukha ko at maingat na iniwasan ang hiwa sa labi ko.
I squirmed in pain when I moved a little. Napansin iyon ni Nathan kaya naglabas ito ng cellphone para tumawag ng ambulance.
"Don't bother," I stopped him. "My brother is coming." I looked at my bleeding leg and giggled. "I think they broke my leg. Man, I was so ready to go to the therapy after this."
Tiningnan ko ang isang paa at nanghinayang. "Sana isinama na nila ang isa kong binti. Six months or longer yata ang magiging recovery kung nagkataon. Bakit kasi ang aga mong dumating? Pinapatagal ko pa ang pambubugbog nila sa akin para mas marami akong injuries. The more injuries I get, the more months I can spend trying to find a way to stop the wedding."
Nathan's eyes bulged in disbelief. "You... You what?!"
I grinned at him and stuck out my tongue and bit it.
"Walang may gustong makakita ng isang pilay na bride na naglalakad sa Edralin Church. That's a no no."
Kinindatan ko si Nathan na nauwi sa paglukot ng mukha dahil sa sakit sa binti at sa buong katawan.
"You are crazy."
"Sabi nila, the Asturians are the craziest people in Monte Vega. Just living up to my name. I know I can't evade it forever. Pinapatagal ko lang para naman makaisip pa ako ng ibang paraan," hinihingal na paliwanag ko saka sinubukang bumangon.
"You stop moving," pigil niya sa akin at maingat na inayos ang ulo. He tried elevating my legs but it hurts so much so he stopped.
Ilang beses kong narinig ko itong nagbuntunghininga at paulit-ulit na may tinatawagan sa cellphone nito.
"Why were you here? Are you stalking me? By the way, you look so sexy back there. You know, my knight in shining armor." I tried talking to him to distract myself from the pain.
"You didn't come back last night. I'm curious why. I said don't move, Cahil." Please, just stay still. Christ, you are one such a hardheaded lady."
I laughed and spat out blood. Natatawa na lang talaga ako. Mukhang malakas talaga ang pagsuntok sa akin ni Luke kanina.
"I stayed with kuya. You know what I realized? Mas gusto ko pa ang bugbugin ni Luke kaysa pakasalan si Jude. Kanina, I was so ready to be useless just so I could stop the wedding."
"Tumigil ka na sa pagsasalita. Try to conserve your energy. You are feeling dizzy? Just move your finger if yes."
I didn't move. Nathan felt relieved.
"Just hang in there. Parating na ang tulong."
I can see in Nate's eyes that he wants to hold me but he's hesitating because he knows he will hurt me more.
"Hey look, I pissed myself. My plan will work."
"Cahil, stop talking."
Mula sa malayo ay naririnig ko na ang tunog ng mga paparating na sasakyan.
"My brother is here. Umalis ka na."
My world began to spin faster and sweat formed like beads in my head. Nathan's face is becoming too hazy for me too.
"Leave me now Nate, please. Makikita ka ni kuya," ani ko na pinangangapusan na ng hininga.
"Like I would leave you in this state. Shut up and don't bother about me."
I still remembered being carried to the ambulance. The whole time I'm closing my eyes and focusing on my hearing expecting any sort of fight to happen but nothing happened. Alam kong hindi papalagpasin ni kuya si Nathan.
That's when I felt his hand wrapped in my hand when the vehicle began moving.
Paggising ko ay nasa pribadong ospital na ako ng Cerro Roca kaharap ang nag-aalalang mukha ng kapatid. Nakabenda ang mga sugat ko sa katawan at naka-cast ang binti ko.
"How are you feeling?" Langdon asked after gently kissing my head.
"Still in f*****g pain." I tried moving my hand to scratch my face.
"Ako na. Saan ba ang makati?"
Itinuro ko ang pisngi na namamaga pa.
"Luke has been dealt with. Don't worry about him. Mama and Jude are coming now."
"How about papa?"
Inayos nito ang ulo ko sa pagkakahiga pagkatapos kamutin ang pisngi ko.
"He's coming home from China."
"Did you kill him?" tukoy ko kay Luke.
"Close." Naupo ito sa silya at hinawakan ang kamay ko. Doon ako may naalala.
"Kuya, sino ang nagdala sa akin dito?"
"Jace arrived in the scene first."
Really? But I really remembered Nate's hand in mine. Siguro nga ay guni-guni ko lang iyon. Nathan wouldn't dare to blow his cover now and my brother looked like he didn't encounter an Alcantara.
"So how many months should I be recovering? Did you talk to the doctor?"
"Maximum four months." His face became dark. "That bastard. Magpasalamat siya at iniwanan ko pa siya ng kaunting buhay."
Four months. Pwede na. Sa loob ng panahong iyon ay gagawin ko ang lahat para makaisip ng paraan.
Iginala ko ang tingin sa magarang silid na nahinto sa isang pasong bulaklak na may cactus na nakatanim.
"Who brought those cactuses, kuya?"
Nilingon nito ang itinuro ko. "It's in here before I arrived. Probably part of the design here."
Napangiti ako nang maalala si Nathan. It's the same one he gave me last year as his consolation for taking Luck from me. Tama nga ako kanina. He is the one who took me here.
Matagal akong tinitigan ng kapatid bago ito nagsalita.
"What you did is very dangerous. Wag na wag mo na uling gagawin iyon."
"What did I do?" Patay-malisya ko siyang tiningnan.
"Stop being smart to me, Cahil. Muntik ka nang tuluyang hindi makalakad dahil diyan sa walang kwentang ideya na pumasok diyan sa utak mo. I told you you'll not be married to Jude."
I scoffed. "You didn't give me an assurance so I've thought of a way out of it because that's what adults do."
"That's not what adults do! That's what selfish children do, Cahil. You didn't think about what this will entail to your body?!"
Nagkibit-balikat ako. "Oh, please. Stop nagging me. Tingnan mo nga at bugbog-sarado pa ako."
Nagbuntunghininga ito saka kinontrol ang sarili.
"I know. I'm sorry. Magpahinga ka na muna. I'll just call someone to transfer you to Monte Vega now."
"Wait, kuya. Aww!" Napangiwi ako nang pwersahanang maigalaw ko ang katawan.
Mabilis na bumalik ito sa tabi ko at nag-aalalang hinawakan ang kamay ko.
"What happened? Saan ang masakit? Wait, I'll call the doctor now."
"No, no need." Pumikit ako at kinagat ang labi. "I don't think I'll be able to travel that far to Monte Vega. Dito lang muna ako sa Cerro Roca magpapagaling."
He stepped back and studied me. Namewang ito at nailing. "You're playing games with me again. I'll have you airlifted then. Magpahinga ka na."
As usual, he figured me out so easily. Kung si mama lang sana iyon ay kaya ko pang artehan. Ipinaikot ko ang mga mata at naiinis na tiningnan ito.
"I'll tell mama that you need six months before you can walk properly. Sapat na ang panahong iyan para makagawa ako ng paraan."
Paglabas ng kapatid ay ibinalik ko ang tingin sa cactus at hindi maiwasang mapangiti ulit.
"Guess he's not really that cold," sambit ko habang masayang pumikit.
I'm safe from this f*****g marriage for now.