ROSELLE Nang umalis si Wulf ay tinawagan ko si Glenda, pero hindi siya sumagot at nang magtext ay sinabing nag-out of town siya. Walang akong choice kung ‘di tawagan si Mommy. “Ano na naman ang kailangan mo, Roselle? Aba’y kagagaling ko lang d’yan kanina. Imposible namang na-miss mo na ako.” Tumawa si Mommy at hindi ko napigilan ang mapahikbi. “Umiiyak ka ba? Nag-away kayo? Sinaktan ka?” “H-Hindi po n’ya ako sinaktan, Ma. Pero nagtalo kami kanina kasi nagalit s’ya nang dumating na walang pagkain.” “E bakit hindi ka bumili? Nagsaing ka man lang ba?” “Kumain na ako kaya hindi na ako—“ “Aba, Roselle! Hindi uubra ‘yang ugali mong gan’yan. Wala ka na rito sa bahay. May asawa ka na. May katwiran naman ang asawa mo kung bakit siya nagalit. Maghapon siyang nasa trabaho tapos uuwi na wa

