Matapos mabuhat ni Xian ang ina-inahan papasok sa sasakyan at mabilis nitong tiniklop ang wheelchair nito at nilagay sa trunk ng sasakyan niya. Nakasanayan na rin niya ang ganoong set-up mula nang tinanggap ulit ito at tuluyang nilimot ang kahapon kung iyon ang tanging paraan para muling mapatawad ang sarili. Doon lang naman niya kasi tuluyang matatatanggap ang lahat at kaya na niyang harapin sinuman. Matapos ilagay ang wheelchair ay nalingunan niya ang asawa na nakangiti. Nabigla si Heather nang biglang lumingon si Xian at hindi tuloy niya mabawi ang ngiti sa labi niya. "It good to see you smiling,” puna nitong nakangiti. Nataranta tuloy siya at hindi malaman ang gagawin. Tila teenager na nahuli ng crush ang feeling niya sa sandaling iyon. Lalo pa nang bigla rin itong ngumiti sa kaniya