Napapalunok si Xian sa nais gawin ni Heather. Hindi niya alam ngunit kinabahan siya. Kung noon ay tila siya asong naglalaway kapag ginagawa sa kaniya iyon ngunit tila nag-iba sa sandaling iyon. Mabilis na kinalas ang botones ng suot ni Xian at hindi niya matanggal ang damit nito dahil nakaposas na ang magkabilaan nitong kamay. Nakita sa dingding ang iba't ibang uri ng itak hanggang sa kutsilyo. Agad na kinugot ang isang samurai. Nanlaki ang mata ni Xian. "What are you doing?" Tanong nito na nagugulat sa ginagawa ni Heather. Napangiti si Heather saka binitawan iyon at kinuha ang tila kutsilyo at nilagay iyon sa leeg ni Xian. "Hey,” sawata nito. Hinalikan niya ito saka bumulong. "Just relax,”aniya rito. Pinadausdos niya ang kutsilyo pababa hanggang sa dibdib ng lalaki. Nagkatitigan sila