Lumipas ang tatlo’t kalahating taon. "Ate!" Tili ni Heaven nang sunduin sila nito sa pantalan kasama ng fiancé nitong si Jerome. "Hi baby girl. Ang ganda-ganda mo talaga, mana ka sa tita,” anito saka pinupog ng halik ang pisngi ng anak. "Tita,” angil ng paslit. "Kumusta sina inay at itay?" tanong rito. "Okay naman sila ate. Hayon miss na miss na rin si baby Xiana," nakangiting wika ng kapatid. Sa di kalayuan ay natanaw si Jerome sa tabi ng sasakyan nila. Hanggang ngayon ay asiwa pa rin ito sa kaniya. Sa bagay sa dami ng mga nangyari ay maging siya man ay asiwa rin. "Kung hindi pa namin kasal eh hindi pa kayo luluwas ng Maynila." turan ng kapatid. Ngumiti siya rito. "Sorry na, Sis. Alam mo namang busy rin ako sa negosyo ko sa isla at marami kaming ginagawang activity roon,” aniya ri