Dahil sa pagod ay agad na nakatulog ang kanilang anak. Matapos mapatulog ang anak ay sinundan niya ang asawang si Xian na nasa balkonahe. May kausap kasi ito sa cellphone. Maingat siyang lumapit rito. "Thank you ninong. Enjoy!" anito saka binaba ang tawag. Niyakap niya ito buhat sa kaniyang likod. "Tulog na ba ang ating prinsesa?" mahinahong tanong nito. "Yes babe," malambing na tugon rito. Doon ay humarap ito sa kaniya saka siya niyakap ng mahigpit. "I love you," malaya nitong turan na kinangiti niya. "I love you more," sagot naman nito dahilan para muling magtagpo ang kanilang mga labi. Napakasarap sa pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo. Iyong hindi ka na mag-iisip kung mahal ka ba o hindi. Naging mapusok ang labing gumagalugad sa kaniyang labi. Ang mga malalambot