Hindi maiwasan ang makaramdam ng pagka-ilang si Laila dahil buhat ng maupo sila ay hindi na naalis ang mata sa kanya ni Darwin. Parehas lang silang tahimik na parang nagpapakiramdaman habang magkaharap silang naka-upo sa sofa. Tanging maliit na wooden table lang ang nasa pagitan nila pero parang napakalapit pa rin nito dahil halos ma-suffocate siya sa presensya ng asawa. Nakakapanindig ng balahibo ang uri ng titig nito at bakas sa mata nito ang sari-saring emosyon. Pagkasabik, pagmamahal, pangungulila at may nababasa din siya doong pagnanasa. Titig na titig ito sa kanya na parang minimemorya ang kanyang mukha at sunod-sunod din ang paglunok nito na tila pinipigilan ang sariling huwag tawirin ang kanilang pagitan para sugurin siya ng halik at angkinin ng paulit-ulit lalo na at hindi nakal