A FEW MONTHS LATER HINDI AKO KINIKIBO ni Astrid at kabuwanan na niya. Kauuwi ko lang dito sa mansyon nila at sa dami nang ganap ngayong araw ay pagod na pagod ako. Humalik ako sa kaniya pero nag-iwas ng mukha ang asawa ko habang nakahiga sa kama namin. Nakasandal siya sa headboard at nakatutok ang mata sa telebisyon. I told her I couldn’t come home for dinner before I went to work. Tutal ay nandito naman sina Dad ay may kasama siya bukod kina Trining. “Hon, what’s wrong? May masakit ba sa ’yo? How’s my baby?” Akala ko ay hindi niya ako papayagang halikan ang tiyan niya pero hinayaan naman ako. Iyon nga lang, nagkakandahaba-haba ang nguso. I kissed her instead without warning and caged her while sitting in bed. Nang tapusin ko ang halik ay tumulo ang luha. “Napapangitan ka na ba sa aki

