NAPAPAHIYA AKO sa sarili ko ngayon. Kalalabas lang ni Vin ng kwarto pagkatapos sabihing ayusin ko ang aking sarili. Mag-uusap daw kami. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa akin at nauwi kami sa tagpong 'yon kanina. Or maybe I just missed his kisses and touch, na gabi-gabing nagpapaalala sa akin ng kapusukan namin— ng kapusukan ko. Dahil katulad ng gabing ibinigay ko ang sarili ko sa kanya kahit wala kaming relasyon, muntik na namang mangyari kanina ang bagay na 'yon. Worse, may anak na kami na ayaw niyang paniwalaang kanya. Gusto ko na ngang pumayag sa DNA test na hinihingi niya para matapos na ang lahat ng pagdududa niya. Pero sa isang banda ay ayaw ko ring gawin ‘yon dahil mangangahulugan 'yon na hindi siya naniniwala sa akin. It was a one night stand — yes. Ang masaklap ay hindi

