HINDI niya maiwasang mapa-tiptoe nang hapitin siya nito palapit lalo sa sarili nito. Kasabay din niyon ang pagkapit niya sa leeg nito. Dahil doon, langhap niya ang mabangong shower gel nito. At medyo basa pa ang buhok nito. Wala siyang tugon dito pero hindi kabawasang iyon kay Mayor. Pakiramdam niya para itong nakarating sa langit nang bumitaw ito sa labi niya. Napatingin pa siya doon dahil basang-basa nga ng pinaghalong laway nilang dalawa. “Bakit ngayon ko lang napagtantong ang sarap mo palang halikan, Dana.” Diniinan pa nito ang ibabang labi niya gamit ang daliri nito pagkuwa’y muling sinakop iyon na ikinapikit niya. Hindi na nga niya napigilan ang sariling hindi mapaungol dahil dalang-dala siya sa ginagawa nito sa kanya. Ang sunod-sunod na paghinga nito, ang paraang nang pananalita