NAGISING si Dana bandang alas-onse na ng umaga dahil sa katok ng nasa labas. Bahagya siyang dumaing dahil sa kirot na nararamdaman sa maselang bahagi niya. Pero masaya siya dahil ngayon lang ulit niya naranasan ito at kay Eric ulit. Hindi naman halatang na-miss nila ang isa’t-isa nang higit pa. Sabagay, ilang taon ba? 8 years? Wala siyang pinayagang lalaki na pumasok sa kanya. Nakalimutan niya ang pakikipag-date dahil sa obligasyon sa anak. Subsob siya sa trabaho para sa future ni Maliyah. Mukhang siya ang agrabyado ngayon. Balak lang naman niyang pigilan ito sana ngayon, pakiusapan. Ngunit nauwi sa lovemaking. Alam niyang napipigil ni Eric ang sarili pagdating sa kanya. Pero kanina, nakalimot ito. Sabagay siya na mismo ang nagsabi. Siya kamo ang hindi nakapag-control. Hindi naman masama