ANG buong akala niya, halik lang ang gagawin ni Mayor sa kanya kaya pumayag siya. Pero heto, mukhang lalagpas pa sa halik ang ibibigay nitong parusa sa kanya. Halos hindi nito bitawan ang labi niya matapos niyang tugunin ang halik nitong mapagparusa kania. Pinangko na rin siya nito papunta sa silid nito. Dumaan sila sa isang adjacent door na ngayon lang niya nalaman. Bahagya nitong sinilip ang dibdib niya matapos nitong pagsawaan ang leeg niya. Naramdaman niya ang pagkagat nito doon kanina kaya sa tingin niya ay mag-iiwan iyon ng marka. “G-God, M-Mayor,” anas niya nang lumapat ang labi nito sa kanal ng dibdib niya. “Ssshhh,” ani lang nito sa kanya at muling kinintalan ang labi niya. “Labi mo pa lang, nababaliw na ako. Ano pa kaya kung iba naman ang matikman ko?” bulong nito sa kanya