NAGISING ang diwa ni Dana dahil sa pananakit ng ulo. Gusto ni Dana na magmulat ng mata, pero nanaig ang pananakit niyon. Kaya naman pinakalma niya muna ang iyon bago nagmulat. Biglang balik naman sa isipan niya ang nangyari sa kanya. Sanay na siya sa ganitong eksena pero hindi pa siya sanay sa epekto. Hindi na rin siya nakakaramdam nang takot dahil alam niyang may magliligtas sa kanya kung sakali. Pero nang may mapagtanto sa hinihigaan ay napakapa siya doon. Nagpasya siyang imulat ang mata ngunit pagkahilo naman ang naramdaman niya. Kaya naman muli siyang pumikit. “Ughhh!” daing niya, pagkuwa’y hinilot ang ulo. Natigilan siya sa paghilot nang biglang gumalaw ang kama. Nasinghot niya rin ang pamilyar na shower gel na naamoy niya, kaya naman nagmulat siya ng mata. “May masakit ba sa ‘y