Chapter 27

2110 Words

PAGDATING nila Ashley sa VTI ay kumain muna sila ni Hector sa cafeteria. Pasado alas-dos na ng hapon noon. Nakatulog siya sa mahabang biyahe kaya hindi siya ginising ni Hector para sana kumain muna sa nadaanang restaurant. Naging laman ng usapan ng mga staff ng VTI ang tungkol kay Seth. For sure, marami nang nababaliw na babae ngayon sa paglitaw ni Seth. Hindi na ito ma-reach. May tendency na magbago ang binata dahil sa biglang kasikatan. She's not sure about that. Lasing siya noong huli silang mag-usap ni Seth sa Subic. Ang huli niyang maalala ay nagtalo sila at itinaboy niya ito. Napakalapit lang ng unit nito sa unit niya sa condominium pero ni minsan ay hindi nag-krus ang landas nila. Lumipat ng unit si Hector at ito ang pumalit. Pero ang sabi ni Hector, si Chesca ang nagpalipat dito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD