NAGIMBAL si Ashley nang kulitin siya ni Chesca para kausapin niya si Seth. Bigla raw kasi nag-walk out si Seth sa lahat ng endorsement nito at hindi ito dumalo sa contract signing ng RM production. At ang ikinawindang niya ang ang pag-submit nito ng resignation letter kay Chesca. Katatapos lang nilang mag-lunch ni Christian sa restaurant at sabay silang pumasok sa gusali ng VTI. Ganoon kaagad ang balita ni Chesca. Kung nag-resign si Seth, malamang aalis na ito sa VTI. Nilamon na siya ng takot. Iniwan niya sa lobby ng VTI si Christian para puntahan si Seth sa unit nito pero sa garahe pa lang ng condominium ay nasalubong na niya ito. Naghahakot na ito ng gamit at pinapasok sa kotse nito. Dagli niya itong nilapitan. "What the hell are you doing, Seth?" matapang niyang tanong dito. Nakasuo