APAT na oras lang ang naitulog ni Ashley. Inabot kasi sila ni Chesca ng ala-una ng madaling araw sa kakapanood ng movie sa netflix. Doon na nakatulog sa unit niya ang kaibigan pero nauna rin itong nagising at umalis. Naligo na siya matapos mag-almusal. Mapapalaban siya nang husto ngayong araw dahil sunod-sunod ang photo shoot nila. She needs comfortable attire. She just wore plain gray dress na hanggang tuhod ang laylayan. Ayaw niyang magsuot ng jeans dahil natatagalan siyang ibaba iyon sa tuwing iihi siya. Gusto niya mabilisan kaya panty lang ang huhubarin. Mas sanay siyang magsuot ng three inches sandal kahit pa sa mabilisang pagkilos. Inisang-tali niya ng mataas ang kanyang buhok na siguradong walang nalalaglag na kahit isang hibla sa mukha niya. Darating sa VTI ang ilang staff ng Gne